Ni LITO T. MAÑAGO

TULAD ng iba pang artista, may hinahangaan ding local celebrity ang dating Starstruck Kids finalist na si Miguel Tanfelix.

MARIAN AT MIGUEL copy

Aminado ang binata na fanboy siya ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Hindi raw niya ito inililihim o ikinahihiya kundi proud pa siya na tagahanga siya ng bida ng Super Ma’am.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

“Lahat naman lahat, eh, nagagandahan talaga kay Ms. Marian Rivera,” wika ng aktor nang makatsikahan namin sa set ng All-Star Videoke na napapanood sa Sunday Grande ng GMA.

“Lahat naman nababaitan at nagagandahan sa kanya at isa na po ako roon,” patuloy ng kalabtim ni Bianca Umali.

“Kumbaga, puwede po akong tawaging fanboy ni Ms. Marian.”

Mabilis ang sagot ni Miguel nang tanungin kung payag siyang tawaging fanboy ng Kapuso actress.

“Yes, of course!” aniya. “It’s Ms. Marian, sobra karangalan ko. Bukod po sa talent at physical appearance, kapag nakikita mo si Ms. Marian, mararamdaman mo ‘yung pagiging totoong tao niya. Kapag makakasama mo siya, sobrang palagay ka sa kanya. Sobrang totoong tao.”

Samantala, second week na ngayon ni Miguel bilang champion ng All-Star Videoke hosted by Solenn Heussaff at Betong Sumaya.

This Sunday, aabangan kung magpapatuloy pa rin ang kanyang lucky streak o may bago nang videoke champ.

Kasama sa mga celebrity contestant sina Gabbi Garcia, Bea Binene, Ivan Dorschner, Osang, Francine, at Gil Cuerva.

Bahagi naman sina Alexander Lee, leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya at Tekla sa Videoke Laglagers.

“Nu’ng first time kong sumalang, sabi ko, ako na ‘yung unang malalaglag pero unexpectedly, nanalo po ako. Feeling ko, blessings din ito,” tinuran ng sikat na teen actor.