PUMANAW na ang beteranong sports columnist na si Elizabeth ‘Madam Beth’ Celis nitong Huwebes bunsod nang matagal nang karamdaman sa edad na 73.

Kilala rin bilang Mama Beth, nagsimula ang career ni Celis noong 1971 sa pahayang Sunday Times Magazine kung saan tinanghal siyang unang babae sa sportswriting community.

Kabilang sa maipagmamalaki ni Madam Beth ang ‘scoop story’ sa disbandment ng Toyota.

Ang kanyang “In Huddle” column ay nailathala rin sa Tempo, People’s Journal, Bulletin, Malaya, at nitong huli ay sa Philippine Daily Inquirer.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsulat din siya ng librong Legends and Heroes of Philippine Basketball at editor-in-chief ng Hardcourt, ang official annual ng PBA.

Nagsilbi rin siyang pangulo ng media organization na SCOOP.

Nakalagak ang labi ni Madam Beth sa St. Peter’s Chapel sa Quezon Avenue. Itinakda ang cremation sa Miyerkules.