Ni REGGEE BONOAN

‘TAKOT Ako’ ang nasambit namin habang pinapanood ang official trailer ng The Ghost Bride ni Kim Chiu sa YouTube. Agad naman kaming sinagot ng kasama namin sa bahay ng, “Oo nga, ate, nakakatakot nga. Gusto ko mapanood.”

KIM copy copy

In fairness, mapili rin sa pelikulang gustong panoorin ang kasama namin dahil sayang naman daw ang ibabayad niya kung hindi siya masisiyahan. Kapapanood niya ng Seven Sundays na gustung-gusto rin niya. Sa November 1 naman ang playdate ng The Ghost Bride.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pangatlong horror movie na ni Kim ang The Ghost Bride, una ang Shake Rattle and Roll X (2008) na kasama sa Metro Manila Film Festival at pangalawa ang The Healing (2012) kasama si Congresswoman Vilma Santos.

Tatlong beses nang nakatrabaho ni Kim si Direk Chito Roño, sa The Healing, Etiquette of Mistresses at itong Ghost Bride.

Busy sa kanyang mga negosyo at huminto sa paggawa ng pelikula ang tinaguriang Horror Queen na si Kris Aquino kaya puwede na raw ipasa kay Kim ang titulo lalo na’t si Direk Chito rin ang direktor. Sina Kris at Direk Chito ang team sa likod ng mga pelikulang Feng Shui (2014), Sukob (2006); at Feng Shui 2 (2014) na pawang blockbuster.

Pero ayaw ni Kim na tawagin siyang Horror Queen, at hindi man niya sinabi ang dahilan ay obvious na ang pagkakaibigan nila ni Kris ang isinasaalang-alang niya. Younger sister ang turing ni Kris sa kanya.

Proud si Kim na marami kaagad ang pumupuri sa trailer ng The Ghost Bride. Ipinost niya ang poster nito sa Instagram na may caption na, “I do or I die!!! #TheGhostBride November 1, 2017.”

Aminado ang Ikaw Lang Ang Iibigin star na madugo ang trabaho kapag si Chito Roño ang direktor pero wala siyang angal dahil maganda naman ang outcome, bukod pa sa marami siyang natututuhan.

Isa sa pinakamagandang experience niya habang sinu-shoot ang The Ghost Bride ay nang magpunta sila sa Nepal. Doon kinunan ang back story ng traditional Chinese bride.

“Sa Nepal masasagot ang mga katanungan sa movie,” kuwento ng aktres.

Excited si Kim sa The Ghost Bride produced ng Star Cinema kasama sina Alice Dixson, Christian Bables at Matteo Guidicelli.

Kung sa pelikulang Last Night ay ang kagandahan ng Maynila ang ipinakita ni Bb. Joyce Bernal, ang kabuuan naman ng Binondo ang ipapakita ni Direk Chito sa The Ghost Bride.

Excited din kami sa presscon nila na gagawing traditional Chinese event at sa Binondo mismo gaganapin.