Ni: Mary Ann Santiago

Patay na nang madiskubre ang isang lalaki na umano’y nagbigti sa service area ng kanilang tahanan sa San Juan City kamakalawa.

Patuloy na iniimbestigahan ng San Juan City Police ang pagkamatay ni Patrick Mole, nasa hustong gulang, ng Roman Street, Balongbato, San Juan City.

Base sa imbestigasyon, malamig nang bangkay si Mole nang madiskubre ng kapatid niyang babae, bandang 10:30 ng umaga.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Nabatid na kagagaling lamang ng babae sa banyo at pagbukas niya ng pinto ng service area ay bumulaga ang nakabigting bangkay ng biktima.