Ni: PNA

NAGPAHAYAG ng paninindigan ang gobyerno na patuloy nitong pag-iibayuhin ang pakikipagtulungan sa United Kingdom, bilang pagkilala sa suporta nito sa mga pagsisikap sa pagpapaunlad ng Pilipinas.

“The Philippine government is committed to continued engagement with the UK in furthering our longstanding and mutually beneficial partnership,” saad sa pahayag ng Department of Foreign Affairs nitong Biyernes.

Ang United Kingdom ay nananatiling isa sa pinakaaktibong bansa na katuwang ng Pilipinas sa larangan ng pulitika, seguridad, pang-ekonomiya, pangkultura, at ugnayan ng mamamayan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pitumpu’t isang taon na ang “friendly, productive and dynamic relations” ng Pilipinas at United Kingdom.


Una nang sinabi ng European Union na buong pursigido itong makipagtulungan sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan at konteksto, kabilang na ang sa United Nations.

Nilinaw nitong ang pagbisita ng “International Delegates of the Progressive Alliance” sa Pilipinas noong nakaraang linggo ay hindi isang “European Union mission”, gaya ng iniulat ng ilang media outlet.



“The statements made by the Progressive Alliance during its visit to the Philippines were made solely on behalf of the Progressive Alliance and do not represent the position of the European Union,” anang EU.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na “this delegation’s irresponsible statements protesting the alleged killings under the Duterte administration demean our status as a sovereign nation.”