Ni: Bert de Guzman

USUNG-USO ngayon ang paghahain ng impeachment complaint laban sa mga opisyal ng constitutional bodies, tulad ng Supreme Court, Commission on Elections at Office of the Ombudsman. Sabi nga ng mga political observer at maging ng ordinaryong mga Pinoy na umaasam ng pagbabagong ipinangako ni President Rodrigo Roa Duterte, tanging sa 17 Congress ng Duterte administration nagkaroon ng mga bantang impeachment kina Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Comelec chairman Andres Bautista, at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sapul nang ma-impeach si ex-Pres. Joseph Estrada noong 2001 na sinundan ng impeachment at conviction ni ex-SC Chief Justice Renato Corona, para umanong naging “mamera”, ‘ika nga, ang paghahain ng impeachment complaint sa Kamara.

Basta may nakagalit o nakalaban ang isang opisyal ng constitutional body, agad-agad hahainan ng reklamong impeachment ng kanyang kaaway na asar sa kanya. Sa ngayon, si Comelec chairman Bautista ay inimpeach na ng Kamara at nahaharap sa impeachment trial sa Senado kung hindi siya agad magbibitiw. Naghain na siya ng resignation sa Pangulo, ngunit ang bisa nito ay sa katapusan pa ng Disyembre, 2017.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Umaasa ang mga mamamayan na ngayong ang lead agency na mangunguna sa pagpuksa sa war on drugs ni PRRD ay ang Philippine Enforcement Agency (PDEA) at hindi na ang Philippine National Police ni Gen. Bato, hindi na makaririnig ang taumbayan ng pagpatay ng mga pulis sa pinaghihinalaang drug pushers at users.

Inalis na ni Mano Digong sa PNP ang paglaban sa drug war bunsod ng maraming batikos at puna na tinatanggap nito, na ang mga ordinaryong tulak at adik lang ang pinapatay sa katwirang “NANLABAN” kahit sinasabi ng mga kaanak na walang baril. Ang mayayaman daw at drug lords na mga dayuhan ay hinuhuli lang at hindi agad binabaril.

Talagang sa Pilipinas lang yata ibang-iba ang uri ng pulitika. Kapag ang nanalong pangulo ay mula sa isang partido pulitikal kahit ang mga miyembro nito ay mailululan lang sa isang tricycle o Beetle car, bigla ang pagtalon o pagdagsa ng mga kasapi ng iba’t ibang partido para umanib sa partido ng nanalong pangulo ng bansa.

Ito ngayon ang pinatunayan mismo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na “nag-over the bakod” at umanib sa PDP-Laban ni PDU30. Si GMA ang dating puno ng Laka-NUCD noong siya pa ang pangulo. Ngayong si Duterte ang pangulo at kabilang sa PDP-Laban, si GMA ay umalis at inabandona ang Lakas-NUCD at ngayon ay miyembro ng partido ni Pangulong Duterte.