Ni: Beth Camia

Walang epekto sa foreign investments ang pakikipag-away ni Pangulong Duterte sa European Union (EU) at sa United Nations (UN).

Ito ang inihayag ni dating Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad sa media briefing nang magtalumpati siya sa 49th Financial Executives Institute of the Philippines Conference sa Makati City kamakailan.

Sinabi ni Mahathir na nasa Pilipinas ang mga negosyante para kumita at mas pipiliing hindi pansinin ang usaping pulitikal, dahil mas mahalaga sa investors ang katatagan ng ekonomiya at ang kanilang seguridad.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang binuweltahan kamakailan ni Pangulong Duterte ang UN at EU dahil sa umano’y pakikialam sa ilang internal issues ng bansa.