Ni JIMI ESCALA

VERY visible ngayon si Dennis Padilla dahil siya ang direktor ng bagong pelikula ni Empoy Marquez katambal si Shy Carlos. Ito ang unang directorial job ng komedyante na matatandaang paboritong sidekick ni Robin Padilla at ng iba’t iba pang action stars noong kasagsagan ng action movies.

Inamin ni Direk Dennis na bago pa man pormal na maipakilala sa kanya si Joshua Garcia ng kanyang anak na si Julia Barretto ay ipinagtanung-tanong na niya ito. Kaya noon pa ay alam na niya ang background nito, na mabuting anak ang nauugnay sa anak niya.

Kaya nang pormal na ipinakilala ito sa kanya ni Julia ay maganda na ang impresyon niya sa binata.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

“Sabi ko sa kanya, ‘Wala naman akong problema sa ‘yo, kahit na ngayon lang kita nakilala, eh, ‘pinagtanung-tanong na kita, and you are a very good man’,” sabi raw ni Dennis sa young actor.

Gayunpaman, binanggit pa rin daw ni Dennis kay Joshua na ayaw niyang makarating sa kanya na sinaktan nito ang kanyang dalaga.

“Huwag lang niyang sasaktan o lolokohin ang anak ko. Sabi ko nga sa kanya, na kahit ako, eh, komedyante pero kapag nabalitaan kong sinaktan niya o niloko niya anak ko, eh, lalabas din naman ang pagiging action star ko,” napapangiti pero seryosong banggit ni Direk Dennis.

Ikinuwento rin niya na tinawagan daw siya minsan ni Joshua dahil may ipinadala itong regalo.

“Pinadalhan niya ako ng alak. Talagang marunong siya,” napatawang banggit ni Dennis.