MALAMIG ang Sabado ni sweet-shooting Alvin Pasaol. Ngunit, walang dapat ikabahala, handang maglaan ng lakas at tibay ang back up ng University of the East.
Nakopo ng Red Warriors ang unang back-to-back win ngayong season nang patahimikin ang National University Bulldogs, 90-77, kahapon sa second round ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Nalimitahan lamang ang Warriors top scorer na si Pasaol sa 11 puntos, subalit matikas na nakihamok sina Mark Olayon, Will Bartolome and Mark Maloles sa second half para sa ikalawang sunod na panalo ng Recto-based cagers matapos ang anim na sunod na kabiguan sa first round.
Nakamit naman ng Bulldogs ang ikaapat na sunod na kabiguan sa huling limang laro para sa 3-5 karta.
Matapos makaiskor na 11 puntos, hindi na ibinalik ni coach Derrick Pumaren si Pasaol at sumandig sa mainit na mga kamay ni Olayon, tumapos na may 18 puntos, walong assists at anim na rebounds.
Nanguna sa NU si J-Jay Alejandro sa natipang 16 puntos, 10 assists, at walong rebounds, habang kumubra si Issa Gaye ng 20 puntos at 13 rebounds.
Iskor:
UE (90): Olayon 17, Bartolome 14, Maloles 13, Abanto 13, Pasaol 11, Manalang 7, Cullar 6, Derige 3, Varilla 2, Acuno 2, Conner 2
NU (77): Gaye 20, Alejandro 16, Bartlett 8, Salem 7, Mosqueda 7, Yu 5, Joson 4, Lastimosa 4, Morido 3, Aquino 3, Diputado 0, Rangel 0, Tibayan 0, Abatayo 0, Cauilan 0
Quarterscores: 21-15, 45-36, 62-59, 90-77