Ni MARIVIC AWITAN

KABUUANG 44 amateur cagers ang nakapasok bago ang itinakdang deadline para sa 2017 PBA Draft na idaraos sa Oktubre 29sa Robinson’s Place Manila.

Nangunguna sa listahan ang Filipino-German na si Christian Standhardinger,isang 28-anyos na big man na naglaro para sa Gilas Pilipinas sa nakaraang 2017 FIBA Asia Cup at 2017 Southeast Asian Games.

Kasalukuyang naglalaro si Standhardinger para sa Hong Kong Long Lions sa 2017-18 ABL Season, at magiging available lamang siya pagkatapos ng torneo. Bukod kay Standhardinger, kabilang din sa mga popular na mga amateur standouts na nag apply sa draft sina Kiefer Ravena at Jeron Teng.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nariyan din sina Raymar Jose at Jett Manuel na naglaro para sa Chooks-to-Go Pilipinas sa 2017 FIBA Asia Champions Cup.

Nagsumite din ng aplikasyon ang mga NCAA standouts na sina Davon Potts at Dan Sara ng San Beda; Rey Nambatac, Felix Apreku, at Jom Sollano ng Letran; Sidney Onwubere ng Emilio Aguinaldo College, Ervin Grospe ng JRU; Lervin Flores at Zach Nicholls ng Arellano; Gab Dagangon ng Perpetual; at sina Wilson Baltazar, Joseph Gabayni, at Jebb Bulawan ng Lyceum.

Mula naman sa UAAP, nariyan sina Jason Perkins, Julian Sargent, at Thomas Torres ng La Salle, Monbert Arong at Arvie Bringas ng FEU, Dave Moralde ng UP, Kyle Neypes; ng NU , Chris de Chavez at Gwynne Capacio ng Standings, Renz Palma, Ebrahim Enguio, at JR Sumido; ng UE at sina Airo Nalos at Jian Abrigo ng Adamson.

Sa hanay naman ng D-League, nagsipag -apply din sina Mac Tallo ng Racal Motors/SWU; JK Casino ng Café France/CEU; Robbie Herndon ng Batangas; Andreas Cahilig ng Cignal; Elmer Cabahug ng Flying V; Jon Gabriel ng Marinerong Pilipinas; Jayson Grimaldo ng Racal Motors/St. Clare; Jerome Ortega ng AMA Online Education; at Michael Juico ng Wangs.

Kabilang din sa mga aplikante ang mga di gaanong kilala na sina Jeremiah Dela Peña at Christian Geronimo.

Lahat ng 44 aspirants ay kailangang lumahok sa Rookie Draft Combine kung saan pipiliin ng PBA Commissioner’s Office ang makakasama sa final draft pool.