Ni: Mary Ann Santiago

Magdaraos ng prusisyon at maglulunsad ng 33 araw na pagdarasal ang Simbahang Katoliko simula sa Nobyembre 5 kontra sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang prusisyon na “Lord Heal Our Land Sunday” ay isasagawa sa EDSA, pagkatapos ng misa sa EDSA Shrine, ganap na 3:00 ng hapon.

Magiging tampok sa candlelight procession ang imahen ng Our Lady of Fatima, na binitbit ng mga debotong Katoliko sa EDSA sa kasagsagan ng People Power Revolution noong 1986.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, sa nasabi ring araw ay sisimulan ng Simbahan ang 33-araw na pagdarasal na tatagal hanggang Disyembre 8, bilang hudyat ng pagsisimula ng paghilom.

Sa loob ng 33 araw, hinihiling ni Villegas ang pagdarasal ng rosaryo at pagtanggap ng Holy Communion para sa paghilom ng sugat ng bansa, at panalangin para sa kaluluwa ng mga biktima ng EJK sa bansa.