Ni: Liezle Basa Iñigo

Sinisikap ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa Aparri, Cagayan na mai-rescue ang 10 Indian na hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay napaulat na nawawala matapos na lumubog ang isang cargo ship sa karagatang sakop ng Santa Ana, Cagayan, nitong Biyernes.

Una nang nailigtas ang 16 sa kabuuang 26 na Indian na sakay sa MV Emerald Star.

Ayon sa nakuhang impormasyon kahapon mula kay Ensign Joel Nieva, information officer ng PCG sa Aparri, nagpapatuloy ang rescue team mula sa Cagayan at Batanes sa paghahanap sa 10 dayuhan, katuwang ang Japanese Coast Guard, na unang tumanggap ng distress call.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Nakikipagtulungan na rin ang may-ari ng barkong MV Emerald Star sa search and rescue operation sa 10 nawawalang tripulante.

Sinabi ni Nieva sa Balita na nagmula sa Indonesia ang cargo ship at magtutungo sana sa China nang mangyari ang trahedya.

Labing anim na ang naunang narescue mula sa 26 na crew na pawang mga Indian national ng lumubog na cargo ship sa karagatang sakop ng Santa Ana, Cagayan.