Ni: Alexandria Dennise San Juan

Mas dumarami ang mga Pilipino na kuntento sa trabaho ni Vice President Leni Robredo na tumaas ang "good" public satisfaction ratings kasama ang senate president sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), habang ang net ratings ng dalawa pang high-ranking government officials ay bumagsak sa neutral.

Batay sa survey noong Setyembre 23-27, ang net satisfaction ratings ni VP Robredo ay nananatili sa "good" na may limang puntos na pagtaas sa +41 mula sa +36 noong Hunyo.

Sa third quarter survey, 62 porsiyento ng 1,500 respondents sa buong bansa ang nagsabing satisfied sila sa performance ng pangalawang pangulo habang 21% ang dissatisfied.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang limang puntos na pagtaas sa overall satisfaction rating ni Robredo ay resulta ng pitong puntos na pagtaas sa Balance Luzon at Visayas, at tatlong puntos sa Metro Manila, at steady score sa Mindanao.

Nananatili ang public satisfaction ratings ni Robredo sa "very good" sa Visayas sa +60 mula +53 noong Hunyo, habang "good" sa Balance Luzon sa +42 mula +35 sa second quarter survey.

Nakakuha siya ng "moderate" sa Metro Manila sa +23 na may tatlong punto na pagtaas mula +20, at nanatiling "good" +31 sa Mindanao.

Ipinakita sa survey na ang double-digit gains ni Robredo sa kanyang satisfaction ratings ay nakuha sa urban areas, kabilang sa class ABCs, at sa mga estudyante sa kolehiyo.

Samantala, nananatili ring “good” ang net satisfaction ni Senate President Pimentel na tumalon pa sa +46, tumaas ng 13 puntos, mula sa +33 noong Hunyo.

Bumagsak naman ang public satisfaction nina Speaker Pantaleon Alvarez at Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kapwa bumaba mula "moderate" sa "neutral."