ILALARGA ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute (PSI), ang Children’s Games’ ‘Palaro Kontra Droga: PSC-PSI Manila Multi-Sport Camp’ ngayong weekend sa Smokey Mountain sa Tondo, Manila.

ramirez copy

Ayon kay PSI NCR Program Coordinator at dating PSC Deputy Executive Director Cesar V. Pradas, target ng programa na makatuklas ng talento at mahikayat ang mga kabataan na umiwas sa bisyo at ituon ang kaisipan sa sports at sa pag-aaral.

“The PSC wants participants to discover their talents and potential in baseball and softball, finish college and mold them to become good citizens,” pahayag ni Pradas.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Sentro ng liderato ni PSC Chairman Butch Ramirez ang kaunlaran ng ng mga kabataan sa pamamagitan ng sports at sa pangangasiwa ni PSI National Director Mark Velasco, mas pinaigting hindi lamang sa Manila bagkus sa mga liblib na lalawigan ang mga programa para sa kabataan at sa Indeginous People.

Nakikiisa rin ang pamahalaang Lungsod ng Manila, sa pamumuno ni Mayor Joseph Estrada sa programa na nakatuon sa sports na baseball at softball na gaganapin sa Smoking Mountain Fieldm habang ang swimming at taekwondo games ay sa Rizal Memorial Sports Complex. Inaasahan ang 500 kabataan na makikiisa sa programa.

“The youth will enjoy playing and will appreciate the value and importance of sports in their lives. They will feel that they have roles to play in our society, thus building their self-confidence,” sambit ni Pradas.