Matapos ang mahigit isang taong paglilitis, ipinag-utos na ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang pagsisimula ng agarang recount sa mga balota sa halalan noong nakaraang taon kaugnay ng election protest ng political adviser na ngayong si Francis Tolentino laban kay Senator Leila de Lima.

Sa bisa ng SET Resolution No. 16-65, ipinag-utos ang pagsisimula sa Lunes, Oktubre 16, ng agarang pagbibilang sa 635 ballot box na naglalaman ng mga balotang ginamit sa automated elections noong Mayo 9, 2016, sa tanggapan ng SET sa Quezon City.

Ang nasabing resolusyon ay inaprubahan ng lahat ng kasapi ng SET, sa pangunguna ng chairman nitong si Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Pumuwesto sa ika-13 sa mga nagwaging senatorial candidates, kasunod ni De Lima, kinuwestiyon ni Tolentino ang resulta ng halalan sa iba’t ibang ground, kabilang na ang pagpapalit ng computer hash code. Hindi naman naghain ng counter-protest si de Lima.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Independent nang kumandidato at nanguna pa sa ilang lokalidad sa bansa bago ang eleksiyon, iginiit ni Tolentino na nag-ugat ang mga anomalya sa man-made at computer-generated manipulations na hindi, aniya, sumasalamin sa tunay na pasya ng mamamayan para sa ika-12 senador na nahalal noong nakaraang taon.