Ni Ernest Hernandez

BAGITO pang maituturing si dating NCAA Most Valuable Player Scottie Thompson sa PBA, ngunit mistulan nang beterano ang kanyang puso sa laban para sa Ginebra Kings.

Sa kanyang rookie year, bench player kung tawagin si Scottie, at pamalit sa star player na si LA Tenorio. Ngunit, sa pagdaan ng panahon, umusbong ang husay niya bunsod na rin sa tiwalang ibinigay ni coach Tim Cone.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ngayong, muling sasabak sa Finals ang Kings kontra sa karibal na Meralco Bolts, kumpiyansa si Scottie sa sitwasyon.

“From last year, rookie ako at madadala ko yon coming to this series,” Thompson said. “Medyo may experience na ako sa finals. This is my third time in my early career - thankful ako doon,” aniya.

Hindi nakalusot sa mapanuring mga mata ng ibang koponan si Scottie at nagkakaisa ang marami na isa na siyang ganap na markado sa Kings.

“Siyempre, habang tumatagal, mas-nadadagdagan ang pressure kasi halos lahat nagiging tougher to guard. Especially sa Meralco na halos lahat nag-improve.”

“Yung last talo nila sa Governor’s Cup finals, masakit sa kanila at ready sila to bounce back. Naririnig ko nga sa presscon kanina na marami silang motivation and inspiration - talagang war ito,” aniya.

Hindi man mayadong impresibo ang stats ni Scottie sa iskor, matikas siya sa rebounding tangan ang 5.9 averaged.

“Like Coach Tim said, whoever is the most aggressive team will win. So, yun ang dadalhin namin sa finals at sana maging mas-aggressive pa kami lalo,”aniya.