Ni: PNA

NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) na ang pagkakaroon ng hindi paborableng sitwasyon sa trabaho ay maaaring mauwi sa problemang pangkalusugan—sa katawan at pag-iisip.

“There are many risk factors for mental health that may be present in the working environment. Most risks relate to interactions between type of work, the organizational and managerial environment, the skills and competencies of employees, and the support available for employees to carry out their work,” saad sa website ng WHO.

Tinukoy nito na sa panahon ng adulthood, kung kailan maraming oras ang ginugugol sa trabaho, ang karanasan sa lugar ng hanapbuhay ang isa sa mga nakatutukoy sa kabuuan ng pagkatao ng isang empleyado.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang negatibong sitwasyon sa trabaho ay maaaring mauwi sa problemang pangkalusugang pisikal at sa pag-iisip, sa delikadong pagkalulong sa alak at ilegal na droga, madalas na pagliban sa trabaho, at hindi pagiging produktibo, ayon sa WHO.

“Depression and anxiety disorders are common mental disorders that have an impact on our ability to work, and to work productively,” dagdag pa ng WHO.

Ayon sa WHO, karaniwan nang naiuulat ang bullying at psychological harassment bilang dahilan ng stress sa trabaho, na delikado sa kalusugan ng empleyado.

Bukod dito, nakaaapekto rin sa kalusugan ng kaisipan ng empleyado ang hindi sapat na polisiyang pangkalusugan at pangkaligtasan, hindi maayos na komunikasyon at pangasiwaan sa opisina, limitadong partisipasyon sa pagpapasya o kawalan ng kontrol sa aktuwal na trabaho, kakaunting suporta sa mga manggagawa, kawalan ng konsiderasyon sa oras ng trabaho, at hindi malinaw na mga tungkulin at layunin sa pagtatrabaho.

Sa pandaigdigang taya ng WHO, mahigit 300 milyong katao ang dumadanas ng depression, ang pangunahing dahilan ng disability, habang mahigit 260 milyon naman ang mayroong anxiety disorder, samantalang mas malaki pang bilang ang dumadanas ng parehong sakit.

Tinukoy na umaabot sa $1 trillion ang nalulugi sa trabaho kada taon dahil sa depression at anxiety disorder, hinimok ng WHO ang mga miyembro nitong estado na magkaroon ng mga polisiya na nagsusulong ng maayos na sitwasyon sa lugar ng trabaho, kung saan aktibong nagtutulungan ang mga manggagawa at ang pamunuan ng kumpanya sa pagtataguyod ng proteksiyon sa kalusugan, kaligtasan at kabutihan ng lahat ng empleyado.

“Employers and managers who put in place workplace initiatives to promote mental health support employees who have mental disorders, see gains not only in the health of their employees but also in their productivity at work,” anang WHO.

Ang kalusugang pangkaisipan sa lugar ng trabaho ang tema ng World Mental Health Day 2017, na ginugunita tuwing Oktubre 10.