Ni: Mary Ann Santiago

Nagsuspinde ng klase ang ilang lungsod sa bansa sa Lunes, Oktubre 16, kaugnay ng dalawang-araw na tigil-pasada ng ilang transport group sa buong bansa.

Batay sa ulat na natanggap ng Department of Education (DepEd), nabatid na kabilang sa mga lungsod na kahapon (Biyernes) pa lang ay nagpasya nang magkansela ng klase sa lahat ng antas, ay ang Makati City at Davao City.

Layunin ng kanselasyon ng klase na maiwasang maabala sa biyahe o ma-stranded ang mga estudyante, sakaling maraming pampasaherong jeep ang makiisa sa tigil-pasada.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Una nang sinabi ng Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) na magkakasa sila ng dalawang-araw na tigil-pasada sa Lunes at Martes, Oktubre 17, bilang pagtutol sa modernization program at jeepney phaseout na isinusulong ng pamahalaan.