Ni Ernest Hernandez

KUMBINSIDO si Eduard ‘The Landslide’ Folayang na matibay na karibal si Martin Nguyen ng Vietnam, ngunit determinado siyang maidepensa ang ONE Championship lightweight title sa ONE Championship: Legend of the World na nakatakda sa Nobyembre 10 sa MOA Arena.

folayang copy

Naninirahan na sa Australian impresibo ang karta ng two-division champion, tampok ang limang sunod na panalo, kabilang ang matamis na paghihinganti kay Marat Gafurov nitong Agosto sa Malaysia. Si Gafurov, ang tanging fighter na dumungis sa marka ng Vietnamese star.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa 10 professional bouts ni Nguyen, anim ang natapos sa unang round pa lamang via knockouts. At hindi ito kaila sa pamosong Team Lakay member.

“Laging maikli result ng mga laban niya. I think this will be a good fight. Kung saan siya malakas, doon din ako malakas,” pahayag ni Folayang.

“Honestly, we are both strikers and tignan natin kung paano ang preparation ng bawa’t isa sa amin. Of course, we have our own prediction but at the end of the day, it will be inside the cage that we can attest on how we can give those predictions.”

Personal na nasaksihan ni Folayang ang mabangis na pakikidigma ni Nguyen tungo sa TKO win kontra Gafurov. Inamin ni Folayang na hindi lamang mahusay na striker ang karibal kundi isa ring matindi.

“Tingin ko sa kanya, tuma-timing siya. Magaling yung timing niya. Noong tinitignan ko last fight niya with Marat, kaya niya i-deliver yun. ‘Yun yung kailangan ma-check ko kung ano gusto niya gawin so I can be able to prepare para ma-counter,” aniya.

Hindi naman nababahala si Folayang sakaling makipagsabayan siya, ngunit kailangan niya ang tamang tyempo sa atake para magwagi kay Nguyen.

“It’s a mind game. Parang chess, talagang kailangan Makita mo ang gusto niyang gawin at paano siya mag-a-adjust sa laban,” pahayag ni Folayang, dedepensa sa ikalawang pagkakataon sa titulong nakuha niya nitong Enero.