NI: Orly L. Barcala

Napaiyak ang isang construction worker nang hatulan siya ng korte ng 14 na taong pagkakakulong, makaraang maaresto sa Oplan Sita noong Agosto 2014.

Sa 12-pahinang desisyon ni Hon. Judge Maria Nena Santos, presiding judge ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC), sa kaso ni Bernardo Reyes, 44, ng INT M. Gregorio Street, Barangay Canumay, pinagbabayad din siya ng P300,000.

Agosto 15, 2014, sinita ng mga pulis si Reyes dahil wala itong suot na helmet habang binabaybay ang Lawang Bato Service Road.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Nang pahintuin at kapkapan, nakumpiska kay Reyes ang 0.02 gramo ng shabu at kinasuhan ng paglabag sa Section 11 Article 11, R.A. 9165 Criminal Case No. 984-V-14.