Ni ROMMEL P. TABBAD

Hinagupit kahapon ng bagyong 'Odette' ang bayan ng Sta. Ana sa Cagayan.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pasado 2:00 ng umaga nang mag-landfall ang Odette sa Sta. Ana.

Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas nito na 65 kilometers per hour (kph) at bugsong 80 kph habang ito ay kumikilos pakanluran sa bilis na 26 kph.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Itinaas din ng PAGASA ang tropical cyclone warning Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan, kabilang na ang Babuyan group of islands, Apayao at Ilocos Norte.

Isinailalim naman sa Signal No. 1 ang Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Ilocos Sur.

Magdadala pa rin ng malakas na pag-ulan ang Odette sa malaking bahagi ng bansa.

Inaasahan na rin ng PAGASA na lalabas na ang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng 24-oras.