Ni: Fer Taboy

Aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na masunog ang dalawang barangay sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental kahapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Misamis Oriental, nasa 200 residente ang apektado ng sunog sa Barangay 26 at Barangay 22 sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ni BFP District Deputy Fire Marshall Insp. Arnulfo Nabua na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Simmy Caeril.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid sa imbestigasyon ni Insp. Nabua na wala sa bahay si Caeril nang mangyari ang sunog.

Inaalam pa ng BFP ang dahilan ng sunog, na umabot sa P1.6 milyon ang halaga ng tinupok ng apoy.

Samantala, agad na bumuhos ang tulong mula sa pamahalaang panglalawigan at panglungsod para sa mga nasunugan na nakikisilong ngayon sa basketball court ng Corrales Elementary School.

Mismong sina City Administrator Dionne Gersana at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Fernando Sot-Sot Dy Jr. ang nanguna sa pag-ayuda sa mga pamilyang nasunugan sa pamamahagi ng bigas, de-latang pagkain, at marami pang iba.