Ni NOEL D. FERRER

LIMAMPUNG (50) TAON. Salamat sa Himala at Sining Ate Guy. 

Ito ang pamagat ng programang magaganap bukas simula 6 PM sa Azucena Hall ng Sampaguita Gardens para sa ikalimampung anibersaryo ng Superstar sa show business.

Nora copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Dadaluhan ito ng kanyang mga pamilya, kaibigan at tagasuporta. Sila ang nagplano nito para sa Superstar bilang pagpapatunay ng kanilang pagmamahal sa kanilang idolo. Punong abala ang numero unong Noranian na si Albert Sunga na katuwang sa pagbibigay tribute sa Superstar. 

“Marami man kaming pinagdaanan ni Ate Guy, sa huli’t huli, siya pa rin ang laman ng puso ko,” sabi ni Albert. 

May mga kaibigan din si Ate Guy from the industry na darating at may ilang magpe-perform, pero surprise daw lahat ng ito.

Bibigyang-halaga ang kontribusyon ni Ate Guy sa sining kaya naman nagtala tayo ng sampung di-matatawarang achievements niya.

1. Sa Recording - Nora changed the landscape of the recording industry in the early 70s. Before kasi, 70-30 ang ratio ng bentahan ng plaka sa foreign songs at OPM; maging sa airtime ng radio stations. But when Ate Guy became a sensation sa recording, nabaligtad ito. She has recorded more than 50 albums and released more than 360 singles.

2. Si Nora ang nag-iisang actress na nanalo ng best actress from 5 different continents: (1) 19th Cairo Int’l Film Festival (1995), The Flor Contemplacion Story (Africa); (2) 1st East Asia Television Award (Malaysia), Bakit May Kahapon Pa (1997) & Asian Film Awards, Thy Womb(2013) (Asia) (3) 31st Festival Int’l du Film Indépendent de Bruxelles, Naglalayag (2004) & Premio Della Critica Indipendiente (Italy) Thy Womb (2014) (Europe), (4) Asia Pacific Screen Award Thy Womb (2013) (Australia) and (5) Green Planet Movie Award (North America)

3. Si Ate Guy rin ang nag-iisang aktres, of her stature, na naging tampok sa tatlong stage plays: Minsa’y Isang Gamu-gamo (1991), DH(1992) at The Trojan Women (1994)

4. Her television show, Superstar, is the longest running musical-variety show in television history (22 uninterrupted years)

5. At a very young age of 20, Ate Guy started producing films (1973): Super Gee, Paru-parong Itim. Siya rin ang nag-produce ng Tatlong Taong Walang Diyos noong 23 taong gulang pa lamang siya. 

6. Si Nora lang ang nakatanggap ng tatlong nomination sa isang category (Best Actress), 1st Star Awards, Bulaklak Sa City Jail, Condemned, Merika (where she won), in 1984.

7. Si Ate Guy din ang unang aktres na nagwagi ng Best Performer award (Metro Manila Film Festival, 1978, sa pelikulang Atsay.

8. In 1970, at the height of her popularity, Ate Guy made 18 movies, all box office hits, and siya ang bida sa lahat ng movies na ‘yun! Rare feat indeed!

9. Guy & Pip, arguably, the most popular love team of all time. The love team made 36 movies.

10. Si Nora Aunor ang kauna-unahang artistang tinawag na Superstar, she also opened the door for “ordinary plain looking girl” na nangarap maging artista: maliit at hindi mestisa. At boses ang tanging puhunan sa pagpasok sa industriya. And the rest is history. 

Sa deliberasyon ng National Artist, pasok na si Nora bilang official nominee after niyang ma-bypass noong nakaraang administrasyon. Nakapasa na siya sa istriktong tatlong hakbang ng pagtatasa, at tanging ang huling kumpirmasyon na lang ang kulang. 

Nakikiisa kami sa pagpupugay at pagpapasalamat sa 50 taon na pagpapamahagi ng mahusay na sining ng ating Superstar Nora Aunor.