SHANGHAI (AP) — Nailista ni Rafael Nadal ang 14 na sunod na panalo nang pabagsakin si Fabio Fognini ng Italy, 6-3, 6-1 para makausad sa quarterfinals ng Shanghai Masters nitong Huwebes.

Umusad din si Roger Federer, seeded No.2, nang magwagi kay Ukrainian qualifier Alexandr Dolgopolov 6-4, 6-2.

“Of course it’s good news, and especially in this part of the season,” pahayag ni Nadal. “It’s better like this than having long matches. You save a little bit more the body.

“It doesn’t matter how long you are on court, (the) most important thing is be enough competitive to (handle) all the situations,” pahayag ni Nadal.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Sunod na makakaharap ni Nadal si sixth-seeded Grigor Dimitrov ng Bulgaria, nagwagi kay Sam Querrey ng U.S. 6-3, 7-6 (3), habang haharapin ni Federer si Richard Gasquet.

Nagwagi naman si Juan Martin del Potro kay third-seeded Alexander Zverev 3-6, 7-6 (5), 6-4.

“For me, it’s impossible to lose a match when I’ve only been broken one time,” sambit ni Zverev. “The game where he broke me I was up 40-15 and I was just unfocused there.”

“I saw his frustration, for sure,” pahayag naman ni del Potro, makakaharap sa quarterfinals ang magwawagi kina John Isner at Viktor Troicki ng Serbia.