Ni: PNA

BUONG sigasig na binabantayan ng mga mangingisda sa bayan ng Cortes sa Surigao del Sur, ang mayamang marine sanctuaries at pangisdaan sa kanilang bayan.

Kaya hindi kataka-taka na ang hindi kilalang bayan na ito ay nakatanggap ng papuri at pagkikila sa buong bansa dahil sa pagkakapanalo sa coastal management competition, at namayagpag sa iba pang kakumpetensiya sa bansa.

Nabibiyaan ng 56,000 ektarya ng karagatan, na mas malaki pa sa lupa nitong mayroon lamang 13,059 na ektarya, ang dedikasyon ng mga residente na pangalagaan ang kanilang marine preservation areas (MPAs) ang naging dahilan upang kilalanin ang Cortes bilang kauna-unahang nagwagi sa Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) 2016, na inisyatibo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Tinanggap ni Cortes Mayor William Angos ang pagkilala, pati ang P20 milyon gantimpala, mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa awarding rites sa Malacañang noong Marso 7 ngayong taon. Gagamitin ang napanalunan sa programa ng bayan upang mapanatiling maayos ang kanilang nasasakupang karagatan. Inamin ni Angos, isang marine conservationist na nag-scuba diving, na hinarap niya ang malaking suliranin nang maging alkalde siya noong 2013: Kung paano patatatagin ang marine conservation efforts habang tinitiyak na may pagkain ang mahihirap na mangingisda.

“I consider conservation as a social problem. Unless we address poverty, the fisherfolk would always be tempted to intrude into our marine sanctuaries,” ani Angos.

Ayon sa pag-aaral ng BFAR, sinusuportahan ng mga baybayin ng Cortes ang sagana at malawak na ecosystems ng coral reefs, sea grass beds, mangrove forests, at soft bottom environment na tirahan ng iba’ ibang uri ng isda at lamang-dagat.

Ngayon ay naipabatid na sa mga residente, bata man o matanda, ang impormasyon sa pangangalaga sa yamang-dagat at naipamalas ito sa katatapos na isang-linggong selebrasyon ng Kalogatan Festival 2017, nang magsagawa ng patimpalak na Ultimate Fisherman Champion (UFC) na nilahukan ng mga kinatawan ng bawat barangay. Mayroon din itong question and answer portion at tinanong ang mga kalahok sa kanilang nalalaman tungkol sa marine biodiversity at batas tungkol sa pangingisda.

Inihayag ni Angos na isusulong nila ang konsepto ng pagtutulungan ng mamamayan bilang susi sa pagpapanatili ng marine conservation bilang lahok sa pambansang kumpetisyon ng MMK ngayong taon.