Ni: Cover Media

PANGUNGUNAHAN ng celebrities kabilang sina Marc Anthony, Jennifer Lopez at Stevie Wonder sa Sabado ng gabi ang telethon para sa mga biktima ng Hurricanes Harvey, Irma at Maria.

Jennifer copy

Gaganapin mula sa Miami at Los Angeles, lilikom ang performers ng pondo para makaloob ng pagkain, tirahan, gamot, elektrisidad at komunikasyon sa mga lugar na apektado ng bago, pahayag ng organizers nitong Miyerkules.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Magtatanghal sina Marc Anthony, Gente de Zona, Nicky Jam, Prince Royce, Romeo Santos, Alejandro Sanz at Daddy Yankee sa Marlins Park ng Miami, na ang tiket ay nagkakahalaga ng $15 at $50.

Samantala, ang Puerto Rican singer na si Jennifer Lopez at ang Dominican baseball player na si Alex Rodriguez ay magiging host naman mula sa NBC sa Los Angeles, kasama ang mga bituin mula sa pelikula, telebisyon at musika na kinabibilangan nina Ricky Martin, Demi Lovato, Gwen Stefani, Stevie Wonder at Jamie Foxx.

Ang telethon na pinamagatang One Voice: Somos Live! ay sabay na ipapalabas sa NBC at sa dalawang primary Spanish-language channels ng United States – ang Univision at Telemundo.

Ipinahayag ito matapos sabihin ng electronic group na Major Lazer nitong Miyerkules ang isa ring konsiyerto sa Miami, na lilikom ng pondo para sa sa aid groups na tutuon sa lahat ng sakop ng Caribbean, kabilang ang maliliit na isla na maaaring makaligtaan.

Nitong Agosto at Setyembre, sinalanta ng Hurricanes Harvey, Irma at Maria ang mga lugar sa katimugan ng United States at Mexico – at hinagupit ang mga isla sa Caribbean, partikular na ang Dominica, na tahanan ng 17,000 mamamayan, at Puerto Rico, na mayroong 3.4 milyong populasyon.