Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Arena, San Juan)

8 a.m. MU vs SSC-R (jrs)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

10 a.m.- SBC vs CSJL (jrs)

12 nn.- MU vs SSC-R (srs)

2 p.m.- SBC vs CSJL (srs)

4 p.m.- JRU vs LPU (srs)

6 p.m.- JRU vs LPU (jrs)

NALAGPASAN ng Arellano University ang matinding pagsubok. Ngayon, dalangin nila na matisod ang Letran Knights sa laban ngayon konta sa No.2 San Beda para makahirit ng playoff para sa ikaapat at huling Final Four slots ng NCAA Season 93 men’s basketball championship.

Arellano's Levi Dela Cruz tries to score against Perpetual's Jeff Coronel during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, October 12, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Arellano's Levi Dela Cruz tries to score against Perpetual's Jeff Coronel during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, October 12, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Tulad ng inaasahan, matikas na nakihamok ang Chiefs para pasukuin ang Perpetual Help Altas, 62-52, kahapon sa pagpapatuloy ng second round elimination ng prestihiyosong collegiate league sa FilOil Arena sa san Juan.

Hataw si Lervin Flores sa naiskor na 19 puntos, walong rebounds at apat na blocksm habang kumana si Rence Alcoriza ng 16 puntos, kabilang ang dalawang three-pointer para sa Chiefs.

“The players knew before the game that with or without Salado, we have to find ways to win, good thing we did,” pahayag ni Arellano coach Jerry Codinera, patungkol sa na-injury na si Kent Salado.

Tangan ang 8-9 karta, nakadikit ang Arellano sa Letran (8-8) para sa laban sa No.4 spot sa Final Four.

Sigurado na sa susunod na round ang No.1 Lyceum (16-0), San Beda (15-1) at Jose Rizal University (11-6).

Sakaling mabigo ang Letran sa laro kontra San Sebastian, kakailanganin ng Arellan na maipanlo ang laro sa Mapua sa Martes.

“We just have to take care of our business and hope for the best,” pahayag ni Codinera.

Iskor:

Arellano U 62 – Flores 19, Alcoriza 16, Dela Cruz 11, Canete 6, Nicholls 5, Villoria 4, Meca 1, Enriquez 0, Abanes 0, Ongolo Ongolo 0, Taywan 0, Concepcion 0, Padilla 0

Perpetual Help 52 – Coronel 14, Eze 11, Lucente 10, Pido 8, Dagangon 6, Ylagan 3, Tamayo 0, Casas 0, Clemente 0, Yuhico 0, Mangalino 0, Sadiwa 0

Quarterscores: 14-17; 29-23; 48-34; 62-52