Ni REGGEE BONOAN

WITH all due respect to our colleague here in Balita, Noel Ferrer tungkol sa sinulat niya kahapon na Viva Artists Agency na ni Boss Vic del Rosario ang bagong manager ni Vice Ganda, gumawa kami ng follow-up report at kung ano na ang masasabi ng ABS-CBN management o ng Dreamscape Entertainment unit head na si Deo T. Endrinal tungkol dito.

VICE GANDA copy copy

“Viva is representing Vice only for endorsements,” paliwanag ng aming source. “ABS-CBN is still the manager of Vice.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Consistent ang information na ito sa nakuha naming detalye nang tawagan din namin ang taong malapit sa It’s Showtime host, product endorsements lang ang concern ng Viva o sila ang maghahanap o kakausapin kapag may kukuha kay Vice, dahil hindi naman daw ito trabaho ng TV network.

Binanggit din sa amin ng source na hanggang 2019 pa ang kontrata ng Unkabogable Star sa Kapamilya Network, kaya malabong umalis o lumipat siya ng management agency.

ABS-CBN ang nagpasikat kay Vice, kaya malabong lisanin niya ang network.

“Eh, ‘pag nalaos na siya siguro aalis siya maghahanap ng iba,” pabirong sabi ng aming kausap.

Samantala, totoo ang sinulat ni Katotong Noel na walang alitang namamagitan kina Vice at Coco Martin ayon sa isa pa naming kausap. Nagkataon lang daw na magkalaban ang pelikula nila ngayong 2017 Metro Manila Film Festival.

Ang The Revengers ang entry ni Vice kasama sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal produced ng Viva Films at Star Cinema. Ang Panday naman ang pelikula ni Coco na siya ang bida, direktor, at producer kasama sina Jake Cuenca, Mariel de Leon, at mahigit 80 pang mga artista.