Ni REGINA MAE PARUNGAO

NAGPAHAYAG NG suporta ang Hollywood action star na si Steven Seagal sa Philippine government, at inaming “big fan” siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

STEVEN SEAGAL copy

Sa press conference kamakalawa, tinanong ng members ng media ang aktor kung nararamdaman ba niyang secure siya sa Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagpatay sa mga kriminal sa bansa.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

“Yes,” ang kanyang sagot at idinugtong na ginagawa ni Pangulong Duterte ang lahat upang lalo pang maging ligtas ang mga mamamayan.

“I’m a big fan of the government, and I think Duterte is a very good president and he has been instrumental in making the Philippines a safer place,I think what he’s done is very good in terms of trying to get the control back to the people,” sabi niya.

“I don’t feel like that this is a dangerous place, you know a place that’s up and coming,” dagdag pa ng aktor.

Tulad ni Pangulong Duterte, big fan din si Steven Seagal ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia.

Matatandaan na si Seagal, na isa ring environmentalist, animal rights activist at outspoken sa kanyang political views, ay binigyan ng Russian citizenship noong nakaraang taon dahil sa kanyang pagsuporta sa mga patakaran ng Russia.

Nasa bansa si Seagal para sa production ng TV series na General Commander. Ito ang pangatlong pagdalaw niya sa Pilipinas. Nagpahayag din siya ng suporta sa advocacy ng Miss Earth 2017 pageant.

Tatalakayin sa General Commander ang corruption, crime at drugs. Sinabi rin ng aktor na interesado siyang kumuha ng Filipino actors upang maging bahagi ng TV series.

Sumikat si Seagal sa magkakasunod na blockbuster action movies na nagsimula noong 1980s hanggang 1990s, tulad ng Above The Law, Hard To Kill, Marked For Death, Out For Justice, Under Siege, at On Deadly Ground.