NAMIGAY ang Department of Health (DoH)-Region 4B o Mimaropa ng libreng pustiso sa mahihirap na senior citizen sa munisipalidad ng Odiongan, sa Romblon kasabay ng selebrasyon ng “Elderly Filipino Week”.

“This is our way of expressing our gratitude to our elderlies for their sacrifices in safeguarding our generation by keeping us safe and healthy. (In return,) we give them health and protection so they would enjoy a more productive journey through life,” lahad ni DoH-Mimaropa Regional Director Dr. Eduardo Janairo.

Sa ilalim ng proyektong “Ngipin para kay Tatang at kay Inang” o “NgiTI”, namigay ang DoH-Mimaropa ng inisyal na 50 pustiso sa mga senior citizen na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang maralita, sa pagdiriwang na idinaos sa Romblon State University nitong Sabado.

Sinabi ni Janairo na inilaan ang P250,000 para sa proyekto na target ang mga nakakatanda na hirap sa pagnguya.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Isinagawa ng grupo ng mga dentist, sa pamumuno ni Dr. Maria Gracia Gabriel, pinuno ng Oral Health Unit ng DoH, kaagapay ang Provincial Health Office ng Romblon, Municipal Health Office ng Odiongan, at DSWD-Romblon, ang pagsusukat sa mga pustiso.

Sa kasagsagan ng pagdiriwang, nagbigay din ang mga dentista sa matatanda ng pit oral prophylaxis, fluoride varnish, at restorative treatment procedures, binigyan ang bawat isa ng hygiene kit, at tinuruan ang mga ito ng wastong pangangalaga at paggamit ng pustiso.

Binigyan din ang mga senior citizen ng libreng salamin sa mata sa isinagawang medical at eye check-up.

Ang proyekto ay bahagi ng Direct Oral Health Treatment Services ng DoH-Mimaropa upang suportahan ang implementasyon ng ng programa hinggil sa kalusugan ng bibig, at upang maresolba ang napakaraming kondisyon ng bibig, na nakaaapekto sa populasyon ng rehiyon—mga sanggol hanggang anim na taon, mga buntis, matatanda, mga katutubo, at mga may kapansanan.

Inihayag ni Janairo na ang proyekto ay isasagawa sa iba pang lugar sa Mimaropa nang mabigyan ng kani-kanilang pustiso ang matatanda.

Sa event, pinaalalahanan niya ang kabataan tungkol sa importansya ng oral health.

“We all only get one set of permanent teeth, so it is important to take care of them as we grow old by regularly brushing and flossing our teeth after every meal and eating a healthy, well-balanced diet that includes dairy and high-fiber food,” aniya.

Saklaw ng Mimaropa ang mga lalawigan ng Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

PNA