Ni Edwin Rollon

MAS palalakasin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Palarong Pambansa ngayong nasa kapangyarihan ng ahensiya ang pagorganisa at pagsasagawa ng regional elimination para sa taunang torneo para sa mga estudyanteng atleta.

ramirez copy

Matapos ang nagkakaisang pahayag ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na nagkaklaro sa kapangyarihan ng PSC para pangasiwaan ang collegiate sports, gayundin ang partisipasyon ng mga estudyanteng atleta sa international competition, sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na mas paiigtingin ng ahensiya ang programa sa grassroots level.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“It’s timely. Right now, we’re planning to scrap the Batang Pinoy next year and focus on the Palarong Pambansa.

Institusyon na ang Palaro, naka-set up na ang organization nito, kaya mas madali para sa atin na palakasin na lang ito sa aspeto ng technical, coaching and training,” sambit ni Ramirez.

Bilang panimula, sinabi ni Ramirez ang pagsasagawa ng national consultative meeting for collegiate sports sa Oktubre 17-18 sa Philsports Multi-Purpose Arena sa Pasig City.

Sentro ng pagpupulong na inaasahang lalahukan ng 140 kinatawan ng mga unibersidad, kolehiyo at eskwelahan, gayundin ang school leagues, ang pagpapataas ng kalidad ng kompetsiyon sa school level.

“Remember that no less than the President has instructed us to make sports accessible to all, to involve the youth more,” pahayagt ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na ang katatagan ng elite sports ay mapagtatagumpayan kung magiging malalim ang pagsasanay ng mga atleta sa grassroots level.

“University sports has always played a big role in elite sports. It has been a rich ground of sports talent and we want to continue to support them,” aniya.

“PSC is very serious in strengthening grassroots sports. School sports is a pertinent component of that effort,” sambit ni Ramirez, isang educator at book author bago na-appoint sa PSC sa ikalawang pagkakataon.

Nakatakdang isagawa ang Palarong Pambansa sa susunod na taon sa Ilocos Sur. Ang lalawigan ang tatayo ring host sa PSC-sponsored Batang Pinoy sa susunod na linggo.