Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang kilabot na leader-financier ng isang grupo ng gun-for-hire at sinasabing responsable sa pagpatay sa isang Pangasinan mayor ang bumagsak sa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Umingan Police sa Rizal Street, Barangay Poblacion East nitong Martes ng tanghali.

Batay sa impormasyong nakalap ng Balita, dakong 12:00 ng tanghali nitong Martes nang arestuhin si Loida Mendoza, kaugnay ng kasong double murder.

Ayon kay Chief Insp. Jose Abaya, hepe ng Umingan Police, ang kasong double murder ni Mendoza ay kaugnay ng pamamaslang kina San Carlos City Mayor Julian Resuello at sa bodyguard nito.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Abril 2007 nang pagbabarili ang alkalde at bodyguard nito sa city auditorium sa kasagsagan ng selebrasyon ng pista.

Si Mendoza rin ang itinuturong lider ng Gonzales gun-for-hire group, at protektor at financier umano ng Pogito gun-for-hire group na kumikilos sa Pangasinan at sa mga karatig-probinsiya.