Ni: Rommel P. Tabbad
Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa sa dalawang low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Chris Perez, huling namataan ang unang LPA sa layong 350 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora. Posibleng makaaapekto ito sa hilaga at gitnang Luzon, ilang bahagi ng timog Luzon, Metro Manila,
Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Calabarzon.
Namataan naman ang pangalawang LPA sa hangganan ng Philippine area of responsibility.