Ni: Marivic Awitan

INILAMPASO ng Centro Escoloar University ang Philippine Women’s University, 73-39, kahapon para sa ikaapat na sunod na panalo sa WNCAA basketball tournament sa Assumption Makati gym.

Nakopo ng Lady Scorpions ang awtomatikong finals berth na may kaakibat na twice-to-beat.

Haharapin ng PWU na nagtapos na No. 2 ang No. 5 Assumption sa quarterfinals habang magtutuos naman ang No. 3 at league rookie na University of Makati at No. 4 San Beda College Alabang sa isa pang playoff pairings.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang magwawagi sa naturang mga laro ang siya namang magtutuos para paglabanan ang karapatang makaduwelo ng Lady Scorpions sa championship match sa Oktubre 28.

Sa midgets level, natalo ang St. Paul sa Miriam 24-28, para maputol ang nasimulang four-game losing skid.

Ngunit, nakabawi sila matapos talunin ang San Beda -Alabang, 46-35 upang makopo ang pangingibabaw taglay ang barahang 5-1.

Naiwan ang Mirriam sa ikalawang puwesto na may markang 4-1, kasunod ang St. Jude Catholic School na may barahang 4-2.

Sa volleyball tournament na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum, winalis ng junior holder DLSZ ang limang laro sa elimination round kasunod ng 25-14, 25-12, 25-19 panalo laban sat San Beda sa Group A habang dinuplika naman it ng Chiang Kai Shek College sa Group B, matapos pataubin ang Miriam, 25-9, 25-23, 25-18.