Ni: Jeffrey Damicog

Labindalawa pang operatiba ng Caloocan City Police ang kinasuhan sa pagpatay sa 17-anyos na Grade 11 student na si Kian Loyd delos Santos.

Isinama rin sa criminal complaint ang 12 pang pulis-Caloocan na sina PO2 Arnel Canezares, PO2 Diony Corpuz, PO2 Fernan Cano, PO1 Reynaldo Dan Blanco Jr., PO1 Silverio Garcia Jr., PO1 Ronald Herrera, PO1 Myrldon Yagi, PO1 Christian Joy Aguilar, PO1 Ceferino Paculan, PO1 J-Rossillini Lorenzo, PO1 Erwin Romeroso, at PO1 Ferdinand Claro.

Samantala, umaasa ang panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) na may hawak sa kaso na matatapos na ang preliminary investigation ngayong Oktubre.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO), kinasuhan ng mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenza delos Santos ng murder at torture ang mga pangunahing sangkot sa kaso.

Unang kinasuhan sa kaso sina Caloocan City Police Community Precinct 7 commander, Chief Insp. Ameor Cerillo; PO3 Arnel Oares; PO1 Jerwin Cruz; ay PO1 Jeremias Pereda.

Agosto 31 naman nang naghain ng mga kasong kriminal ang National Bureau of Investigation (NBI) sa DoJ laban sa apat na pulis.

Matatandaang kinaladkad at pinatay si Kian makaraan umanong manlaban sa anti-drug operation ng pulisya sa lungsod noong Agosto 16.