Mike Crismundo at Fer Taboy

SAN FRANCISCO, Agusan del Sur – Tatlong katao ang nasawi at 13 iba pa ang nasugatan nang magkabanggaan ang isang pampasaherong van at isang dump truck sa Maharlika national highway sa Purok- 3B, Sitio Barobo, Barangay Libertad, Bunawan, Agusan del Sur, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Romeo I. Agres, 66; John Mark D. Warquez, 30, kapwa ng Bgy. Libertad, Bunawan; at Cocoy Cabana, 42, ng Bgy. Buayan, Mlang, North Cotabato.

Ilan sa 13 nasugatan ay nagpapagaling pa sa Bunawan District Hospital sa Bunawan, habang pinauwi na ang iba pa, ayon sa police report.

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!

Batay sa paunang traffic investigation report na isinumite ng Bunawan Municipal Police at Agusan del Sur Police Provincial Office (PPO) sa Police Regional Office (PRO)-13, nangyari ang aksidente bandang 3:20 ng hapon nitong Lunes.

Minamaneho ni Cocoy Cabana, 42, ang pampasaherong Toyota Hi-Ace van (LWT-194), sakay ang 15 pasahero patungo sa bayan ng San Francisco mula sa Trento nang makasalpukan nito ang Fuso dump truck (CAN-8026) na minamaneho ni John Rey Durado, 33, ayon sa police report.

Iniimbestigahan pa sa presinto ang driver ng truck.