Ni: Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Nahaharap ngayon sa kasong pambubugbog ang bise alkalde ng isang bayan sa Tarlac, makaraang ireklamo sa pulisya, kasama ang dalawang iba, ng pambubugbog sa isang retiradong sundalo nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat kay Tarlac Police Provincial Office director Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, ipinagharap ni Eliseo Madrid, 72, may asawa, retirado sa Philippine Army, at taga-Barangay San Fernando, Victoria, ng reklamo sina Victoria Vice Mayor Candido Guiam III; Jon Jon Bautista, 48; at Rodolfo Ambrocio, 49, pawang ng Bgy. San Nicolas.

Batay sa salaysay ni Madrid, dakong 9:10 ng gabi at kasama niya ang kanyang pamilya sa minamanehong tricycle nang madaanan ang nakaparadang Toyota pick-up truck na nakasindi nang malakas ang headlight sa San Ambrocio Street sa Bgy. San Gavino.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinakiusapan ni Madrid ang driver na hinaan ang headlight, subalit bigla itong nagalit, bumaba ng sasakyan at binugbog ang matanda, na tinulungan pa nina Bautista at Ambrocio.

Nang follow-up ang biktima, positibong kinilala ang driver ng pick-up na si Vice Mayor Guiam.