NI: Roy C. Mabasa

Mahigpit na binabantayan ng Philippine Consulate General sa San Francisco ang sitwasyon sa Napa Valley at mga karatig na lugar sa patuloy na pagkalat ng wild fire sa bahagi ng Northern California na kilala sa kanyang world-class wineries.

Wala sa tinatayang 18,000 Pilipino na nakatira sa Napa Valley at mga nakaaligid na lugar ang iniulat na kabilang sa 10 nasawi sa wildfire, saad sa pahayag ng Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni Consul General Henry Bensurto Jr. na nakikipag-ugnayan na ang kanyang opisina sa mga lokal na awtoridad at sa Filipino Community upang alamin ang kalagayan ng mga “kababayan” sa mga apektadong lugar.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“We continue to reach out to Filipino community organizations in the affected areas, particularly in the Napa and Sonoma counties, to ascertain their condition,” ani Bensurto.