Ni: Dave M. Veridiano, E.E.

HALOS mapalundag ako sa tuwa nang marinig kong tinumbok ni Senador Richard Gordon ang proseso ng PINAPAIKOT o “recycling of prohibited drugs” sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa ilang kawani ng administrasyon na nagtatampisaw sa karangyaan na dulot nang pagsawsaw nito sa ilegal na droga.

Sa hearing sa Senado, ang paulit-ulit na pagbanggit ni Gordon hinggil sa PINAPAIKOT na kumpiskadong tone-toneladang ilegal na droga, na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakaraang mga taon, ay siguradong sasabog na animo’y bomba – ito ay kapag tuluyan nang inilabas ni Gordon sa Senado ang mga dokumentong nagpapatunay na may opisyal ng PDEA na numero unong protektor ng sindikatong nagpapaikot ng droga sa bansa.

Base sa dokumento, sa loob ng mahabang panahon ay isang beses lang nagsunog ng ebidensiya ang PDEA. Ang malaking bahagi naman ay IPINAIIKOT pala ng mismong mga tauhan ng kumpanyang inupahan ng pamunuan ng PDEA upang sumunog sa mga droga… ito ay natuklasan ng isang grupo ng mga operatiba ng PDEA nang ma-entrap ng mga ito ang sindikatong ang epektos ay ang mga kumpiskadong droga – ngunit ang kaso ay INUPUAN lamang ng opisyal na ito!

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ikinuwento ni Gordon sa hearing noong Lunes na “isang respetadong mamamahayag na dating empleyado ng GMA7 na ngayon ay kolumnista sa isang pahayagan ng Manila Bulletin” ang nagbigay sa kanya ng mga dokumento nang makakuwentuhan niya ito hinggil sa problema sa droga sa bansa, sa dinaluhan niyang lamayan sa Quezon City. Kasalukuyan umano niyang binubusisi ang mga dokumento na pasasabugin niya sa susunod na pagdinig sa Senado.

Nitong nakaraang buwan ay naglabas ng tatlong bahaging serye ang IMBESTIGADaVe na may pamagat na “’Di dapat maging opisyal ang namantikaan ng droga” na batay sa mga dokumentong galing sa mga na “low morale” na NBI agent at operatiba ng PDEA. Sa halip kasi na papurihan ang mga ito sa “accomplishment” ay nalagay pa sa balag na alanganin nang masampahan ng kaso ang mga tiwaling opisyal na sangkot dito.

At ito ang matindi rito – ang dating opisyal na ito ng PDEA na kahit nasampahan pa ng kaso ay muling nakaupo sa administrasyon ni Pangulong Duterte – at ang nakuhang posisyon ay may kaugnayan pa rin sa paghabol sa mga sindikato ng ilegal na droga!

May buntot pang hirit ito…ang makuha rin ang posisyon ng Bureau of Correction (BuCor) na nabakante nang magbitiw sa tungkulin si Atty. Benjamin delos Santos, na ayon sa narinig kong dahilan – ay naburyong na rin sa ibang pinuno ng administrasyon ni Digong, na sa halip na tumulong sa kampanya laban sa droga ay pinagtakpan pa ang Special Action Force (SAF) na nakasawsaw na rin sa sindikato ng droga sa loob ng Muntinlupa – ang mga ito ang backer ng dating PDEA official na ito!

Napakalalim na palaisipan ang operasyon ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa. Maikukumpara ito sa... isang puppet show na ang gumagalaw na mga manikin ay may mga sala-salabat na mga TALI na patungo lamang sa nag-iisang TAO na siyang kumukontrol at nagpapagalaw sa mga ito.

Malaking hamon ito sa Senado, lalo na kay Gordon na nagsabing bubusisiin niyang mabuti ang nilalaman ng mga dokumentong ibinigay sa kanya, upang magkaalaman na kung sino talaga ang responsable sa PAGPAPAIKOT ng kumpiskadong droga sa bansa…sana nga ay matunton ni Gordon kung kanino patungo ang mga TALI na nagpapagalaw sa mga opisyal sa pamahalaan na kumikilos bilang protektor ng droga!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected]