Ni Francis T. Wakefield, May ulat ni Fer Taboy

Ibinunyag ng commander ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) na bukod sa 28 bihag ng Maute Group ay mayroon pang 31-33 kaanak ng mga terorista ang kasama ng mga ito sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Gen. Carlito Galvez nitong Lunes, ang ika-140 araw ng bakbakan sa siyudad.

“Based doon sa revelation na may 12 children and 16 women [na bihag pa sila], may 31 or 33 dependents of Maute and Abu Sayyaf. Dala nila ‘yung pamilya [nila],” ayon kay Galvez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“That’s why we are calling their attention na ‘yung lahat ng nandun should be separated. As much as possible non-combatants are non-military targets,” sabi pa ni Galvez.

Sa kanilang apela kaugnay nito, umiikot sa lugar ang isang chopper upang maghulog ng bote na may nakasulat na instruksiyon kung saan ligtas na makalilipat ang mga kaanak at bihag ng mga terorista.

Kasabay nito, kinumpirma ni Galvez na buhay at nasa Marawi pa ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon, si Omar Maute, at sina Dr. Mamud at Amin Bako kasama ang anim hanggang siyam na dayuhang terorista.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Galvez na malapit na nilang ma-neutralize ang mga terorista sa Marawi.

“That is why we are moving slowly. They are considered dangerous and very agressive... very agreesive and desperate,” ani Galvez. “Maganda ‘yung latag ng forces natin. We are very confident na kayang-kaya natin ito. The commander (on the ground) reported to me that there is positive development ongoing right now.”