TULUYANG ibinaon sa hukay ng Jose Rizal University ang nalalabing pag-asa ng Mapua na makausad sa susunod na round nang makalusot ang Heavy Bombers, 62-58, kahapon para ipormalisa ang parade sa Final Four ng NCAA Season 93 sa Filoil Flying V Center.

Nakopo ng Heavy Bombers ang 11-6 karta para selyuhan ang pagangkin sa No.3 spot sa cross-over semi-final series.

Nangunguna ang Lyceum of the Philippines (16-0), kasunod ang defending champion San Beda College (15-1) na kapwa tangan ang twice-to-beat na bentahe.

Nahirapan ang Heavy Bombers na paluhurin ang Cardinals sa unang tatlong period bago nakakuha ng sapat na lakas sa krusyal na sandali para patalsik ang Intramuros-based na karibal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Lungayngay ang Cardinals sa 3-13 karta.

“Honestly I’m not happy. They didn’t want to follow instructions. They thought they can beat them on offense alone and ayun nga nangyari,” pahayag ni JRU coach Vergel Meneses

“But the last three or four possessions we were able to get defensive stops, we had good blocks,” aniya.

Nagsalansan si Tey Teodoro ng 19 puntos sa Heavy Bombers, habang kumubra si Jed Mendoza ng 10 puntos at tatlong assists at tumipa si Abdul Sawat ng siyam na puntos at pitong rebounds.

Nanguna sa Cardinals si Almell Orquina na may 19 puntos at nag-ambag si Christian Bunag ng 19 rebouds at 10 puntos.

Iskor:

JRU (62) - Teodoro 19, Mendoza 10, Sawat 9, Grospe 8, Lasquety 6, Bordon 4, Abdulrazak 2, Poutouochi 2, David 2, Dela Virgen 0.

MAPUA (58) - Orquina 14, Pelayo 11, Bunag 10, Victoria 8, Estrella 8, Raflores 6, Aguirre 1, Gabo 0, Jimenez 0.

Quarterscores: 21-17, 36-32, 52-47, 62-58.