Ni ADOR SALUTA

KINUMPIRMA sa amin ng isang Kapamilya insider (staff ng isang show sa ABS-CBN) na apat na linggo na lang tatakbo ang sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Kuwento ng suorce sa amin, hindi na patatagalin pa ang sitcom dahil sa kanegahang inaabot ng lead star na si John Lloyd.

“Negang-nega si John Lloyd ngayon, pati ang show nadadamay,” sabi ng spy namin.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Hindi naman daw puwedeng palitan ng ibang leading man si John Lloyd dahil bagay sila ni Toni at sa kanila umiikot ang kuwento ng HSH.

Sad to say, damay ang ilang dosenang artistang kasama sa cast and crew ng HSH dahil ibig sabihin, bawas sa kanilang pangkabuhayan ang mawawala sa pagsasara ng programang halos dalawang taon din nilang pinagsilbihan.

“Sayang naman ‘yong mga crew, mawawalan sila ng trabaho, eh, magpa-Pasko pa naman,” aniya.

Bukod kina Lloydie at Toni, nasa cast sina Miles Ocampo, Sandy Andolong, Ogie Diaz, Funny One comedians na sina Jobert, Jason Gonzaga, at iba pa.

Naudlot din ang pag-arangkada ng career ng It’s Showtime’s “Miss Q and A” semi-finalist na si Juliana Pariscova dahil sa pagsasara ng sitcom. Sa HSH siya nagsimula bilang artista at kuwelang-kuwela siya sa pagpapatawa.

Damay din o naunsyaming tuluyan ang pagpasok ng ‘retoke king’ na si Xander Ford, na kinuhang guest ng programa after nitong magparetoke ng mukha.