Ni: Noel D. Ferrer

PALABAS na simula ngayon ang family drama na Seven Sundays ni Cathy Garcia-Molina mula Star Cinema tampok sina Aga Muhlach, Enrique Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez. Siyempre pa, kasama rin si Dingdong Dantes, sa kanyang panlimang pelikula sa film division ng ABS-CBN.

AGA AT DINGDONG copy

Nauna na siya sa Segunda Mano (2011) with Kris Aquino at Angelica Panganiban, One More Try (2012) with Angel Locsin, Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo; She’s The One (2013) with Bea Alonzo, Enrique Gil and Liza Soberano; The Unmarried Wife (2016) with Angelica Panganiban and Paulo Avelino; ‘tapos ito ngang Seven Sundays.

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake

Memorable itong Seven Sundays dahil, katulad nga ng sinabi ni Dingdong, “Maganda ang istorya, maganda ang samahan, kaya napakaganda ng pelikula.”

Aside from Aga Muhlach, na siya palang nag-inspire sa kanya para maging aktor, may isang makakasama sa pelikula si Dingdong na talagang kaibigan niya.

Sa katunayan, nakakasabik silang muling makita sa isang full length movie lalo pa’t nakakatawid-tawid naman sila ng pinagtatrabahuhan.

Maikli lang talaga ang eksena ngunit ramdam mo ang kakaibang screen chemistry nilang dalawa. More than that, naging daan ang shooting upang makapag-usap muli at makapag-bonding ang magkaibigan sa kanilang buhay.

Sa mga nakapanood kagabi sa premiere night, alam na nila kung sino ang ka-reunion ni Dingdong sa pelikulang Seven Sundays; hahayaan nating surprise na lang ito at looking forward sa mas magaganda pang pelikulang pagsasamahan ng dalawang malapit at espesyal na magkaibigan at magkapamilya sa ating industriya.

Rated A sa Cinema Evaluation Board ang Seven Sundays.