Ni NORA CALDERON

NAGPASALAMAT agad si Atom Araullo sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA News & Public Affairs sa kanyang pagbabalik nang iharap siya sa entertainment press para sa unang dokumentaryo na ginawa niya, ang Philippine Seas.

ATOM copy

Advanced birthday celebration cum presscon ang ibinigay sa kanya, birthday niya sa October 19 pero wala siya dahil umalis na siya noong October 8 for a personal trip to Greece and Turkey, na na-schedule na niya noon pa. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Tinapos muna ni Atom ang unang dokumentaryo niya na ipalalabas sa two-hour special sa GMA-7 sa November 5, 3:30 PM.

Sa documentary, nilibot ni Atom ang pinakamayayamang karagatan sa Pilipinas, sa Luzon, Visayas at Mindanao. Based sa mga ipinakitang pagsaliksik ni Atom sa mga karagatan natin, napakagandang talaga ng Pilipinas at mayaman sa corals at marine species, at mayaman din sa minerals at natural gas na kung mapag-aaralang mabuti ay makakapag-ahon sa bansa sa kahirapan. 

Teaser pa lamang ng proyekto ni Atom at ng GMA news team, tiyak nang panonoorin talaga. Maging si Atom mismo ay nagpahayag na excited na siyang mapanood ang Philippine Seas.

More documentaries ang gagawin niya sa GMA, magiging bahagi na siya ng award-winning docu-program na I-Witness at makakasama niya sina Howie Severino, Kara David, Sandra Aguinaldo at Jay Taruc.

Bago ang grand presscon for Atom, nagkaroon na ng grand welcome sa kanya ang 24 Oras, at overwhelmed siya sa research na ginawa ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho sa kanya since una siyang napanood sa isang programa ng GMA-7 hanggang sa paglipat niya sa ABS-CBN at ang 10 years niyang pagiging environmental journalist. 

Nangako si Atom na mas marami pa siyang gagawing documentaries tungkol sa ating kapaligiran.