NI: Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Fil Oil Flying V Arena)

12 n.t. -- Mapua vs JRU (jrs /srs )

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

4 n.h. -- San Sebastian vs Arellano (srs /jrs)

TATANGKAIN ng season host San Sebastian College na buhayin ang sisinghap-singhap na kampanya sa Final Four sa pakikipagtuos sa naghahabol ding Arellano University sa tampok na laro ngayon sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Magtutuos muli ang dalawang koponan ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng Mapua at Jose Rizal University na naghahangad namang pornal na makopo ang ikatlong Final Four berth sa kanilang pagtatapat ng Cardinals ganap na 2:00 ng hapon.

Kasalukuyang magkasunod sa team standings sa pagkakaluklok nila sa 5th at 6th spots ang Stags at ang Cardinals hawak ang magkasunod ding markang 7-8 at 6-9, sa likod ng pumapang -apat na Letran na may patas na barahang 8-8.

Kung matatalo ang Chiefs, ganap na silang mamamaalam sa kanilang tsansa habang tatabla ang Stags sa Knights sa ika-4 na puwesto.

Ngunit, kung mananalo ang Stags, magtatabla sila ng Chiefs sa panglimang puwesto.

Sa kasakuluyan, tanging ang Pirates pa lamang at ang defending champion San Beda College Red Lions ang nakakasiguro ng Final Four berth.