Ni: Mary Ann Santiago

Tataas ng tatlong sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Oktubre.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, kailangang magtaas ng singil dahil sa pagtaas ng generation charge ng P0.17/kwh.

Ang mga residential household na kumukonsumo ng 200kwh kada buwan ay magkakaroon ng P6 dagdag sa monthly electricity bill, P9 naman ang madadagdag sa bayarin ng mga kumukonsumo ng 300kwh kada buwan, P12 sa 400kwh at P15 sa 500kwh kada buwan.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Kaugnay nito, pinayuhan ng Meralco ang mga consumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.