Ni: Fer Taboy

Sumuko dala ang kanyang machine gun ang isang kasapi ng bandidong Abu Sayyaf Group sa Armed Forces of the Philippine (AFP) sa Sulu.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr., commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), kinilala ang suspek na Jul Asbi “Imbuh” Misuari, na nagsuko ng caliber .30 machine gun.

Batay sa imbestigasyon ng militar, si Misuari ay tauhan ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya, na napatay sa isang labanan sa Indanan, Sulu at nagsilbing contact ng Abu Sayyaf kidnap for ransom group sa Banguingui Island, sa Sulu.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Ayon kay Misuari, marami pa siyang kasamahan na balak nang sumuko sa military dahil sa walang tigil ng operasyon ng militar laban sa kanilang grupo.

Isinasailalim sa tactical interrogation at documentation ang suspek at inaasahang maisasama siya sa programa ng gobyerno para sa mga sumusukong ASG.

Batay sa record ng militar, umaabot na sa 24 ang mga sumukong ASG sa Sulu.