Ni: Jun Fabon
Walang nasamsam na ilegal na droga at kontrabando ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa sorpresang pagsalakay sa Quezon City Jail (QCJ), kasabay ng operation greyhound ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kahapon.
Humingi ng pahintulot ang PDEA-NCR kay Quezon City Jail Warden Supt. Ermilito C. Moral na sabayan ng inspeksiyon ang “Operation Greyhound” ng BJMP sa nasabing bilangguan sa lungsod, bandang 7:00 ng umaga kahapon.
Napag-alaman na pinalabas ni Supt. Moral ang lahat ng bilanggo sa kani-kanilang selda at pinapasok naman ng PDEA ang kanilang K9 unit na walang nakita at naamoy na ilegal na droga at kontrabando.