Ni: Leonel M. Abasola

Nadagdagan ng P20 milyon ang pondo ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo, at partikular itong inilaan sa kanyang anti-poverty program.

Inaprubahan ng Senado ang P443.95 M budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2018, at umabot lamang ng limang minuto ang deliberasyon. Itinaguyod ito ni Senador Loren Legarda.

Si Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang nagpanukala na bigyan ng P20M ang programang Angat Buhay ni Robredo.

Pelikula

Jennylyn Mercado, naniniwalang importante sinumpaang pangako ng mag-asawa

Ayon sa Vice President, malaking bagay ang P20M lalo pa’t ang pondo ng kanyang programa ay nanggagaling lamang sa pribadong sektor.

“Magkakaroon ng bahay yung Angat Buhay, may sarili na siyang program, yung P20 million ang laking bagay na. Ngayon kasi nakaka-spend lang kami for operations; pero yung program itself, nakaasa kami sa private partnerships. So ngayon, meron siyang P20 million kahit siya kaunti, ang laking bagay na for us. So hindi na kami totally dependent on the private sector,” ani Robredo.