Ni: Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at ng Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Oktubre 10, bababa ng 85 sentimos ang kada litro ng kerosene; 50 sentimos sa gasoline; at 40 sentimos sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya sa kaparehong rollback sa presyo ng gasolina kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong bawas-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan at sobrang supply ng langis sa pandagdigang pamilihan.

Politics

'We don't dignify the testimonies!' Rep. Sandro, kumuda sa mga pahayag ng 18 ex-bodyguards

Matatandaang limang magkakasunod na linggo nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa dahilan upang humirit ng P2 taas-pasahe ang ilang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).